in

StaySafe.PH app sinimulan ng ipatupad sa Caloocan upang mapadali ang contact tracing

Simula ngayong araw, kailangan nang gamitin ang contact tracing app na StaySafe.PH para makapasok sa mga establisyemento at para sa mas mabilis na contact tracing sa Lungsod ng Calooacan.

Para sa mas mabilis na contact tracing, ipinatutupad na ang paggamit ng StaySafe App.

Kinakailangan lamang mag-download ng StaySafe App sa kanilang mga mobile phone at mag-register. I-screenshot lang ang QR Code para ito ang i-scan pagpasok. Hindi na kinakailangan pang magsulat ng mga pupunta sa mga establisyemento kung may StaySafe App.

Sa City Hall, kawani man o taxpayer, ang mga wala pang StaySafe App ay pansamantala munang pinapasulat ang mga pangalan at pinapayuhan na magdownload ng nasabing application sa susunod na pagpunta.

Noong nakaraang linggo ay naglabas ng kautusan si Mayor Oca Malapitan para sa paggamit ng StaySafe App sa lahat ng pampubliko at pribadong establisyemento sa Caloocan. Ang StaySafe ay ang opisyal na health condition reporting at contact tracing system sa buong Pilipinas sa gitna ng pandemya. Makakatulong ang paggamit ng StaySafe app upang mapabilis ang contact tracing.

What do you think?

Written by THEDIGITALSPY.COM

NETINT Announces the World’s First Commercially Available Hardware AV1 Video Encoder for the Data Center

PH reports 4,437 new COVID-19 cases, 11 new deaths

PH reports 4,437 new COVID-19 cases, 11 new deaths