in

SJDM LGU: COVID-19 vaccination ng medical frontliners patuloy

Patuloy ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga health workers sa San Jose del Monte, Bulacan. Inaasahang mas maraming pang medical frontliners ang mabibigyang proteksyon laban sa sakit na ito.

sjdm medical frontliners
Nagpapatuloy ang vaccination rollout sa Lungsod ng San Jose del Monte para sa ating mga medical frontliners. (PHOTO COURTESY of SJDM Public Information Office)

Kabilang sa mga binakunahan ngayong araw ang mga kawani ng Rural Health Units, mga Barangay Health Workers (BHWs), at mga kasapi ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), gamit ang bakunang AstraZeneca.

Patuloy ang lokal na pamahalaan at si Mayor Arthur B. Robes sa paghikayat sa publiko na maging kaisa sa programa sa pagbabakuna at kaisa sa pagpapalaganap ng disiplina alinsunod sa minimum health standards.

What do you think?

Written by THEDIGITALSPY.COM

LOOK: Water pump set for Bulakenyo farmers

LOOK: Water pump set for Bulakenyo farmers

covid cases philippines today

PH logs 6,666 new COVID-19 infections, 47 deaths