in

SAP para sa NCR Plus, aprubado na ni PRRD

Aprubado na ng pangulo ang panukalang ayuda o pinalawig na social amelioration program para sa mga apektado ng ECQ o enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig-probinsya.

Ang anunsyo ay mula kay Senador Bong Go na labis na nagpapasalamat kay  Pangulong Duterte dahil sa pagtugon nito sa kanyang panawagan na mabigyan ng agarang ayuda para sa mga maapektuhan ng ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Higit kumulang 22.9 milyong mahihirap ang bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng “NCR plus” na kasalukuyang nasa -ECQ at mabibigyan ng ayuda.

“Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda para makarating agad ang tulong ng gobyerno sa mga dapat makatanggap nito. Sa tulong din ng mga LGUs, dapat mailatag na ang proseso kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon,” ayon kay Go.

“Sa mga kapwa kong Pilipino, konting tiis lang po. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapagaan ang hirap na pinapasan ng buong sambayanan. Magbayanihan po tayo para malampasan ang mga pagsubok na ito,” karagdagang pahayag ni Go.

What do you think?

15,310 new covid cases today in the philippines

PH confirms 9,296 new COVID cases

NiuSky Pacific Begins Operational Usage of Aireon Data