Kumalat ang isang video sa social media ang pagsigaw ni Ricci Rivero, dating La Salle player sa isang fan matapos matalo ang kanilang koponan sa Filoil Flying V Preseason Cup. Sa naturang video lumabas sa court ang manlalaro kasunod ang isang babae tagahanga at isa nitong kasama.
Si Rivero ay makikitang sumigaw at nagalit sa fan na humihingi ng isang selfie.
Hindi naitago ni Rivero ang kanyang disappoinment matapos matalo sa laban at naibaling ang kanyang frustration sa isang tagahanga matapos humiling ng isang larawan sa kanya.
Gilas Cadet Ricci Rivero Yells at Fans After Frustrating Loss
Gilas Cadet Ricci Rivero Yells at Fans After Frustrating Loss
Posted by fashionpulis.com on Monday, June 11, 2018
Matapos kumalat ang video na na-ipost ni Fashion Pulis, sinabi ni Rivero na di napigilan ng kanyang emosyon ang pagkatalo nito sa laro. Nagbigay na rin ng public apology ang manlalaro sa kanyang Twitter account.
“To the girl in the video and to all that are affected and are disappointed, I am a work in progress and I sincerely apologize for my imperfections,” pahayag ni Rivero.
— Ricci Rivero (@_ricciiirivero) June 11, 2018