Muli na namang nagkaaberya ang MRT ngayong araw. Humigit-kumulang na 1,000 na mga pasahero pa- southbound ng Metro Rail Transit 3 ang napurwesyo nitong Huwebes ng hapon matapos nakitaan ng teknikal na problema.
Ang mga pasahero ay pinababa sa Ortigas Station bandang 1:17 p.m. dahil sa door failure, ayon yan sa tweet ng Kagawaran ng Transportasyon.
DOTr MRT-3 ADVISORY
19 April 2018A Southbound (SB) train unloaded at ORTIGAS station due to DOOR FAILURE at 1:17 pm today.
The whole train was unloaded, with approximately 1,000 passengers. pic.twitter.com/hUxCteF01p
— DOTr – MRT-3 (@dotrmrt) April 19, 2018
Ayon sa DOTr, muling nakasakay ang mga pasahero pagkatapos ng 6 minuto.”
Pinaalalahanan naman ng DOTR ang mga pasahero na iwasang sandalan ang pintuan ng tren o pilitin ito upang mabuksan.
Dagdag pa nya na maiiwasan ang problema sa pagpapanatili at pagpapalit ng mga bahagi ng pinto.