Kasunod ng pahayag ng pangulo na maaring ipaaresto ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) na bibisita sa bansa. Sinalungat naman ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag na ito ng pangulo noong Linggo na ayon sa kanya dapat niyang itigil ang pagkilos at pag asta bilang isang “copycat” sa dating pangulong Ferdinand Marcos.
Sa isang ulat, tinanong ni Hontiveros kung bakit dapat tigilan ni Pangulong Duterte ang mga pahayag na ito laban kay ICC Fatou Bensouda dahil lamang daw itong lumalabas na guilty. Dagdag pa nya wala namang dapat ikatakot ang pangulo kung talagang wala sya’ng kasalanan.
Iginiit din ng senadora na walang awtoridad ang pangulo na manghimasok at arestuhin ang sinuman sapagkat ang court judges lamang ang may awtoridad na gumawa nito ayon sa konstitusyon.
Dagdag ni Hontiveros na ang Pangulo ay walang kapangyarihan na magsagawa ng ‘Executive Warrants.’
Samantala, salungat naman si Senador Richard Gordon sa mga naging pahayag ni Hontiveros, ayon sa kanya, may karapatan ang presidente na protektahan ang bansa laban sa mga dayuhang na nagnanais na magpabagsak dito.
Comments
Loading…
Loading…
Comments