Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibunyag na ang mga opisyal ng barangay na kasama sa tinatawag na “narco-list” o drug watchlist.
Kinumpirma ito ni PDEA Director General Aaron Aquino na may 211 opisyal ng barangay ang kasama sa narco list.
Sinabi naman ng opisyal ng PDEA na si Sheila Valmoria na ilalabas ang listahan sa publiko sa darating na Biyernes.
Kamakailan ay nagbabala ang pangulo na maaaring pondohan ng pera mula sa droga ang gaganaping halalan sa barangay.