Tinawag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mambabatas na si Magdalo party list representative Gary Alejano na isang “sinungaling”. Ayon sa Foreign Affairs Secretary ang Pilipinas ay may kontrol pa rin sa Sandy Cay, isang shoal na matatagpuan 2.5 nautical na milya mula sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Rep. Gary Alejano ng Magdalo Party-list kay Cayetano na may mga Chinese coast guard vessels na nakadaong malapit sa Sandy Cay mula Agosto 2017.
Gayunpaman, iginiit ni Cayetano na maaaring magpatrolya ang Pilipinas sa naturang lugar.
Ayon kay Cayetano, walang sinuman ang nakapagtayo sa Sandy Cay, nasa tabi ng Pag-asa (Island) kaya libre tayong mag-patrol doon. Ang ating mga mangingisda ay maaaring pumunta, dagdag pa ni Cayetano.
Ayon sa media report, tinawag ni Cayetano sina Alejano at Sen. Antonio Trillanes na “sinungaling” sa pagbintang kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatigil ng pag-patrolya sa West Philippine Sea.
“Ang mga ito ay sinungaling, sinusubukan nilang pabagsakin ang gobyerno,” sabi ni Cayetano.