Ginanap ang ika-11 araw ng pagbabakuna ng AstraZeneca at Sinovac sa Bulacan Provincial COVID-19 Vaccination Site kung saan mahigit 233 na mga frontliners mula sa DILG, DSWD, DepEd, Provincial Department of Health Office, Provincial Blood Center, PDRRMO at PSWDO ang nabakunahan.

Sa kasalukuyan, mayroon ng kabuuang 1,526 AstraZeneca vials na may katumbas na 15,260 na taong mababakunahan at 1,493 single dose Sinovac vials ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Bulacan mula sa Department of Health. (Bulacan PIO)