Sa isang eksklusibong pakikipanayam ng Pep.ph sa pictorial ng kanyang bagong endorsement ng malaking insurance company, niliwanag ni Baste Duterte kung posibile nga ba na pumasok siya sa magulong mundo ng pulitika.
Nang usisain kung mayroon siyang mga plano sa pagpasok ng pulitika, sinagot ni Baste Duterte ang mga dahilan kung bakit, hangga’t maaari, nais niyang maiwasan ang pagiging isang politiko.
“I have no political plans. Hindi naman that I don’t consider because I need to plan things out, pero yung inclination ko, hindi talaga doon papunta. As much as possible, gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo,” pahayag ng presidential son.
Ipinahayag rin ni Baste na ang kanyang pamilya ay matagal ng nasa pulitika at kinalakihan nya na ito. Batay sa ulat, ang bagay na maaaring magbago ng isip ni Baste Duterte at kumbinsihin siya na pasukin ang pulitika ay kung may talagang “dahilan”. Nagpahayag siya ng walang mga plano sa pagpasok ng pulitika batay sa kanyang sariling mga desisyon.
Si Baste Duterte ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na betirano na sa larangan ng pulitika. Nakatulong din siya sa kampanya ng kanyang ama nang tumakbo ito para sa posisyon ng pagkapangulo. Hindi tulad ng kanyang mga kapatid na nasa daigdig ng pulitika, si Baste ay naging bahagi ng isang travel show, si Lakbai.