Muling nagpasaring si Magdalo party list Rep. Gary Alejano sa komento ni Sara Duterte kay Senador Antonio Trillanes IV. Ayon sa mambabatas ang “leave me in peace in Davao City” comment umano ni Sara ay isa lamang drama.
Si Alejano ay planong tumakbo bilang senador sa susunod na taon ng eleksyon. Ani, Alejano, tila nasisiyahan ang alkalde sa kanyang drama tulad ng kanyang ama na si Pangulong Duterte.
Matatandaang sinabi ni Sara na tatakbo lamang sya para sa senador sa 2019 at presidente sa 2022 kung hindi siya iiwanan ni Trillanes.
“Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 presidential elections just to make me insignificant,” pahayag ng alkalde.
Here goes the drama…the fruit does not fall far from the tree https://t.co/sTTwT184UJ
— Rep. Gary C. Alejano (@AlejanoGary) June 13, 2018