in

2 lugar sa Caloocan isasailalim sa lockdown

Dalawang lugar sa Caloocan City ang isasailalim sa localized lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections upang mapabagal ang hawaan.

Ipinag-utos ni Mayor Oca Malapitan na ilagay sa 7-araw na lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021.

“Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdivision upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa tayo ng mass testing, misting at disinfecting operations,” ani Mayor Oca.

Ang Pamahalaang lungsod ay mamamahagi ng mga food boxes sa mga bahay kung kaya’t inaabisuhan ang mga residente na maglagay ng mga upuan sa labas ng kanilang tahanan upang mapaglagyan ng kanilang food box.

Sa kasalukuyan may naitalang 15 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Queensville at Kingstown 2 habang may kabuuang bilang naman na 61 active cases ang Barangay 171.

7,103 ang naitala ng DOH na bagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, March 19, 2021. Sa kabuuan, nasa 648,066 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Para sa karagdagang detalye bisitahin ang DOH COVID-19 tracker. (CALOOCAN PIO)

What do you think?

Written by THEDIGITALSPY.COM

Digiskarteng-Pinay

Google’s Digiskarteng Pinay webinar to discuss how Filipinas can create livelihood opportunities with YouTube

DFRobot Open-Source Hardware Gravity Series Unleashes the Creativity for More Than 1 Million Developers Now