TULONG SA BAYAN: Murang bigas na ipinangako ng gobyerno, mabibili na sa Metro Manila

Ang murang regullar milled rice na nagkakahalaga ng P39 bawat kilo ay mabibili na ngayon sa sa Metro Manila. Asahan din ang steady supply o tuloy tuloy na bentahan ng murang bigas sa merkado.

Ang mga stock ng bigas na ipinamahagi noong nakaraang gabi ng Nueva Ecija Rice Millers Association ay bahagi ng 300,000 sako kada buwan na ipinangako ng mga rice traders kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa presidente ng Nueva Ecija Rice Millers Association na si Mel Coronel, pinili nilang maging abot-kaya ang presyo ng bigas mula P42 hanggang P39 bawat kilo sa kanilang pangako sa Pangulo na tulungan ang gobyerno na mapanatili na abot-kaya ito para sa mga mamimili.

Ayon naman kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ang 39 pesos kada kilo na bigas sa mga service outlets na tinukoy na maaring mabili ay nasa Baclaran at sa mga palengke sa Quezon City katulad ng Commonwealth, LITEX, Silangan Payatas at Sauyo Market Susano Market Greenfield 1.

Magsisimula ding marandaman sa ibang palengke ng Metro Manila ang murang bigas sa darating na April 18.

Ang bawat “service outlet” ng pamahalaan kung saan makakakuha ng mababang halaga ng commercial rice ay minarkahan ng isang streamer na “Tulong sa Bayan.”

Ang proyekto at programang ito ay hatid ng Opisina ng Pangulo, ang NFA, ang Confederation of Grains Retailers Association of the Philippines Inc. at ang Philippine Confederation of Grains Association.

FEATURED IMAGE: NATIONAL FOOD AUTHORITY

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Hontiveros: Itigil na ng Pangulo ang pag asta tulad ni Marcos

Hontiveros: Itigil na ng Pangulo ang pag asta tulad ni Marcos

WATCH: Me and You - Nadine Lustre (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

Nadine Lustre binatikos ng Netizen, inakusahang bastos at insecure