I am the most productive senator - Trillanes
in

Trillanes to Duterte: Tama hinala ko, pang-barangay ka lang talaga!

Duterte on Boracay shutdown: “Masterplan? Wala akong masterplan…I’ll give it to the farmers…I-land reform ko na yan.” — Tama hinala ko, pang-barangay ka lang talaga.

Muling hinimok ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga residente ng Boracay na humingi ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema upang mapahinto ang anim na buwan na pagsasara ng isla simula Abril 26.

Sinabi rin ni Trillanes na magsasampa rin siya ng kaukulang resolusyon sa darating na Miyerkules upang kwestyunin ang komite ng Senado sa turismo na pinamumunuan ni Senador Nancy Binay upang magsagawa ng imbestigasyon sa pagsasara ng isla.

Iginiit rin ni Trillanes na ipapasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan upang pahintulutan ang mabilis na konstruksyon ng isang kasino sa isla, salungat sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na laban sa kanya.

“Walang plano diyang casino-casino. Tama na iyan kasi sobra na. May casino dito, casino doon,” pahayag ng pangulo.

Ngunit sa isang press briefing ni Trillanes sa kanyang tanggapan sa Senado, ay muling pinabulaanan ang pahayag ng pangulo habang nagpakita siya ng isang larawan ng Pangulo na nakikipagkamay sa may-ari ng casino. Ang larawan, sabi niya, ay kinuha diumano noong Disyembre.

“Kaya maliwanag na nagsisinungaling si Mr. Duterte,” pahayag ng senador.

Sa pagsisiyasat ng Senado, sinabi ni Trillanes na hihilingin sa mga nakatalagang ahensya na magsumite ng master development plan ng Boracay rehabilitasyon, relokasyon at mga planong pangkabuhayan para sa mga apektadong residente ng isla.

Pinabulaanan din ni Trillanes ang pahayag ng Pangulo na mag-karoon ng land reform sa mga apektadong residente ng Boracay.

“Di uubra yang land reform na yan,” ani Trillanes. “Talagang nagpapakita dito na hindi lang sya padalos-dalos kundi incompetent pa dahil yung nakapunta ng Boracay, wala namang farm lots doon at yung mga magsasaka e wala naman doon.” dagdag pa nya.

"Masyadong ano yung coincidence e. December, nag-courtesy call yung may-ari ng casino kay Duterte. Nung January,…

Posted by Antonio "Sonny" Trillanes IV on Thursday, April 5, 2018

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Uber to end operations in the philippines

Uber combining operations with Grab in Philippines

Gab Valenciano Speaks Up on Duterte, Reacts To Bashers

Duterte gov’t keeps ‘very good’ satisfaction rating in early 2018: SWS