in

Starbucks nakatakdang magsara sa darating na Mayo

Nakatakdang isara ng Starbucks ang lahat ng kanilang mga shop sa U.S. at ng kanilang corporate office sa darating na Mayo 29 upang magsagawa ng ‘racial-bias education’ para sa mga empleyado kasunod ng pag-aresto sa dalawang African-American na lalaki sa isa sa mga lokasyon nito sa Philadelphia noong nakaraang linggo.

Higit kumulang 8000 shops ang isasara sa hapon ng May 29 upang maisalang sa training ang 175,000 nilang empleyado.

Halos 175,000 empleyado sa U.S. ang makakatanggap ng training.

Ang naturäng coffee chain na nakabase sa Seattle ay nabatikos pagkatapos maging viral sa internet ang video ni Melissa DePino hinggil sa pag-aresto ng mga pulis sa dalawang African-American na nag-aabang lang sa pagdating ng kanilang kaibigan.

Ang dalawang African-American ay hindi pinahintulutang gumamit ng restroom. Paliwanag ng mga staff ang pag-gamit ng restroom ay para lamang sa kanilang paying customers. Ipinaliwanag naman ng mga biktima na naghihintay lamang sila sa isang kaibigan. Inaresto sila ng pulisya.

Humingi na ng paumanhin ang CEO ng Starbucks sa naganap na insidente.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

LOOK: The new Clark International Airport Terminal has been redesigned

LOOK: Clark International Airport Terminal gets new facelift

DOTC Sec Abaya Says Money From MRT Fare Hike Will Go To Private Firms, Not Improvements

Mahigit 1,000 pasahero ng MRT3, pinababa matapos magkaaberya