in

LoveLove

Showbiz reporter defends Kris Aquino, pinangaralan si Mocha Uson

Showbiz reporter defends Kris Aquino, pinangaralan si Mocha Uson

Samu’t sari ang naging reaksyon ng netizens hinggil sa viral post ni Asec Mocha Uson na naghahambing sa halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay worker sa South Korea at ng namayapang senador na si Benigno Aquino kabilang dito ang Showbiz reporter na si Ogie Diaz na gumawa ng napakahabang pahayag sa Facebook.

Ang beteranong showbiz reporter ay nagbigay ng payo kay Mocha na kasalukuyang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Dear MOCHA USON,

May payo lang ako sa yo…

Wag mo nang gamiting pang-justify sa paghalik ni Pangulo du’n sa babae yung dating halik ng isang babae noon kay Sen. Ninoy Aquino sa eroplano.

Kitang-kita mo naman sa video na pinost mo, di nagpaalam yung girl at siya mismo ang nagnakaw ng halik kay Sen. Ninoy.

Yung kay Pangulo, ibibgay ko na sa yo, ikaw na ang bumasa kung ano ang interpretasyon mo.

Gusto mong palabasin, na yung mga taong naglalagay ng malisya sa ginawa ng ating Pangulo sa smack nito sa girl ay mga “Dilawan.”

Konting lawak ng utak, ate. Wag mong isiping yung mga nagalit o nag-react sa ginawa ng ating Pangulo ay mga “Dilawan.”

Di mo ba pwedeng isipin mo na nagulat lang ang marami, lalo na ang mga kababaihan sa naging behavior ng Pangulo?

Na ang interpretasyon ng mga kababaihan natin ay hindi yon dapat ginawa ng Pangulo.

Hindi ito ang malala. Mas may malala pa noon sa mga pronouncement ng Pangulo patungkol sa babae, pero kung ako ang tatanungin mo, sanay na ako sa Pangulo, kuha ko na yon.

Pero sana, isaksak mo rin sa utak mo na hindi lahat ng nagrereklamo kay Pangulo ay Dilawan.

Ayaw mo bang iangat ang pagkababae mo? Ayaw mo bang pairalin ang pagrespeto ng mga lalake sa mga kababaihan, lalo na’t isa ka ring babae?

Kunsabagay, yung mga madre nga na humarang ng tangke sa Edsa para matigil lang ang gulo at pagdanak ng dugo, binaboy mo din. Magtataka pa ba ako?

Kung tama o ayos lang para sa yo ang ginawa ng Pangulo dun sa babae, wala naman talaga akong magagawa eh. Ikaw yan eh. Ikaw na yan eversince.

Pero isipin mo din, paano pa maipagtatanggol ni Ninoy ang sarili niya sa akusasyon mo kung sino ang mas malala sa kanila ni Pangulo pagdating sa babae kung patay na yung tao?

Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan? Kahit nga ang Pangulo, kaya na niyang depensahan ang sarili niya.

Paano kung mag-sorry ang Pangulo sa inasal niya? Deadma ka na? O Mariringgan ka na naman namin ng, “Ayan, nag-sorry na ang Pangulo”?

Kaya wag na ikaw, Mocha. Wag na ikaw, please. Dahil babae ka at ayokong bastusin ka ng mga kalalakihan, wag na ikaw ang mag-justify sa naging behavior ng Pangulo. Lalong wag mo nang buhayin yung taong matagal nang patay na may mas nagawang kabayanihan kesa sa yo.

Kasi ayokong ibalik at i-post na naman ng mga di nakakaintindi sa iyo yung mga dati mong ginagawang pagdukot sa ari ng lalake o pagpapalamas mo ng dede mo pag nagso-show ka…

Kasi baka mabalewala ang “kiss entry” nina Pangulong Duterte at ni Ninoy at sasabihin nilang, “Put— ina, uwian na, may nanalo na.”

Alam ko, hindi mo gugustuhing mangyari ito kasi alam ng lahat, nagbago ka na. At sana, sa pagbabago mo, wag mo pa ring kalilimutang isa kang BABAE.

At kinatawan ng mga BABAE sa gobyerno.

PS…

Sa mga followers ni Mocha, pasensiya na. Okay lang kung ookrayin nyo ko. Kung mali ako, sorry po. Pero pakisabi na lang sa mga ina at kapatid o sa mga daughters n’yo, para sa kanila ito.

Dear MOCHA USON, May payo lang ako sa yo…Wag mo nang gamiting pang-justify sa paghalik ni Pangulo du’n sa babae…

Posted by Ogie Diaz on Sunday, June 3, 2018

Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ni Ogie sa publiko ang kanyang pahayag laban kay Mocha. Noong nakaraang taon, 2017 hinamon nya si Mocha na itigil ang mga public rants nito at hinimok na pag-aralang mabuti ang kanyang trabaho.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Watch GAME 3 NBA Final 2018 Golden State Warriors vs Cleveland Cavaliers Live Stream

Watch GAME 3 NBA Final 2018 Golden State Warriors vs Cleveland Cavaliers Live Stream

September 19: List Of Flooded Areas In Metro Manila #MarioPH

#WalangPasok: Class suspensions due to ‘Domeng’