Sereno ipinahiwatig ang posibleng pagtakbo sa Senado

Hindi natin dapat pahintulutan ang mga may kapangyarihan na mapigilan tayo.

Sereno ipinahiwatig ang posibleng pagtakbo sa Senado

BAGUIO CITY, Philippines- Mukhang hindi nga patitinag ang Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno laban sa mga kalabang nagnanais na sya’y patalsikin sa pwesto. Ayon kay sereno lalaban sya hanggang sa dulo kasunod ng mainit na debate sa kanyang kapwa mahistrado hinggil sa petisyon na quo warranto na naglalayong mapawalang bisa ang kanyang posisyon bilang Chief Justice.

“Walang atrasan! Tuloy ang laban!” matigas nyang pahayag sa dose-dosenang mga tagasuporta na piniling magprotesta sa compound ng Korte Suprema (SC) sa loob ng anim na oras na pagdinig.

“Nakita n’yong lahat kung paano namin ipinagtanggol ang aming mga karapatan upang maprotektahan ang ating kalayaan laban sa mga mapang-api na sinisira ang ating demokrasya,” ani Sereno.

“Hindi natin dapat pahintulutan ang mga may kapangyarihan na mapigilan tayo. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Kailangan nating makipaglaban sa lahat ng panig upang matiyak na mananatili ang demokrasya sa Pilipinas, “dagdag niya.

Ang Punong Mahistrado ay naiulat na bukas din sa posibilidad na pasukin ang pulitika kung sakaling mawala ang kanyang posisyon sa Korte Suprema.

Kinukusidera rin ni Sereno ang pagtakbo para sa senador sa halalan kung tatanggalin siya bilang punong mahistrado sa pamamagitan ng impeachment o quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sa SC.

“Ang utos ni Pangulong Duterte para sa Kongreso na pabilisin ang impeachment proceedings ay isang kumpirmasyon na siya ay nasa likod ng pagpapatalsik ng Punong Mahistrado,” sabi ng mambabatas na si Antonio Tinio at France Castro ng Alliance of Concerned Teachers.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

WATCH: Activist groups stage protest rally against President Duterte in Hong Kong

WATCH: Activist groups stage protest rally against President Duterte in Hong Kong

Rap artist Zaito arrested for illegal drugs