in

Senator Leila de Lima isa sa World’s 50 Greatest Leaders ng Fortune magazine

Si Senador Leila de Lima, kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ay napili sa listahan ng Fortune Magazine bilang isa sa World’s 50 Greatest Leaders noong Huwebes.

Kasama sa Fortune Magazine si De Lima, isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa taunang listahan ng mga itinuturing nito na “World’s 50 Greatest Leaders.”

Ang entry ng Fortune Magazine tungkol kay De Lima, na nasa rank 39, ay nagpahayag na ang kanyang “pagkabilanggo ay hindi hadlang para batikusan ang pamahalaan hinggil sa mga ekstrahudisyal na pagpatay na nauugnay sa brutal na war on drugs ng pamahalaan.

Si De Lima ay kasalukuyang nakapiit sa Camp Crame kaugnay sa pagkakasangkot diumano nito sa iligal na droga.

Ang senador ay inakusahang protektor ng mga negosyante ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng New Bilibid Prison sa panahon ng kanyang pamumuno bilang Justice secretary. Paulit-ulit niyang itinanggi ang mga naturang akusasyon, na ayon sa kanya ay politically-motivated.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Kris Aquino Slams Bashers For Calling Bimby Gay

Kris Aquino may patutsada sa birthday message ni James Yap kay Bimby

IN PHOTOS: Celebrities at Coleen Garcia, Billy Crawford’s wedding