Palasyo binatikos ang Facebook sa pagpili sa Rappler at Vera Files bilang mga fact-checkers

Pinuri ng publiko ang inisyatibo ng social media platform giant na Facebook kaugnay sa pagsugpo at paglaganap ng maling impormasyon sa social media. Kung marami ang natuwa sa aksyon ng Facebook ikinabahala naman ito ng ibang social media users kabilang ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinuwestiyon nga ng Malacañang kung naging makatarungan ang ginawang aksyon ng Facebook sa pag-pili sa Rappler at Vera Files bilang third party fact-checking sites ng naturang social media platform.

Sa isang press briefing nitong Lunes, sinabi ng tagapagsalita ng palasyo na si Harry Roque na ang programa o inisyatibong ito ng pinakamalaking social network site sa mundo ay ang “solusyon” sa lumalaganap na problema sa maling impormasyon o fake news.

Gayunpaman, sinabi ni Roque na nakikisimpatiya s’ya sa ibang Facebook users na hindi nasiyahan sa pagpili ng Facebook sa Rappler at Vera Files bilang third party fact-checking partners.

Ipinahayag rin ni Roque na maaaring maging subjective ang naturang websites depende sa kanilang pampulitikang pananaw.

“Dapat mayroong mas bahagyang tagapamagitan ng katotohanan,” banat nya.

Nitong linggo, sinimulan ng Facebook ang pag-block sa piling mga websites ng pro-Duterte na pinaghihinalaang naghahatid ng pekeng balita.

Ayon naman kay Sass Sasot, masugid na tagasuporta ng administrasyon, ang Vera Files di umano ay pinondohan ng National Endowment for Democracy na isang organisasyon na pinondohan ng CIA.

Vera Files is funded by the National Endowment for Democracy an organization funded by the CIA. In its new role as one of the vanguards of information that would circulate on FB, I hope Vera Files won’t censor views inimical to US interests. Asa pa ako?

Samantala hinimok naman ng ibang tagasuporta ng administrasyon ang publiko na lumipat sa Russian social media platform na VK.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

GMA RECORDS: Kapuso Artist Kyline Alcantara ganap ng recording artist

GMA RECORDS: Kapuso Artist Kyline Alcantara ganap ng recording artist

Rappler, Vera Files not enough as fact checkers- Senator accuses FB of political Bias