Pag-aresto sa Awstralyanong madre inalmahan ng human rights group

Inaresto ang madreng si Patricia Fox ay inaresto sa hinalang siya ay nakibahagi sa mga protesta laban sa mga sinasabing paglabag sa mga karapatang pantao ni Pangulong Duterte.

Ang mga human rights activists sa Pilipinas ay nanawagan para sa pagpapalaya ng madre na nagmula pa sa bansang Australia na inaresto dahil sa diumano’y pagsali sa mga protesta laban sa gobyerno.

Si Patricia Fox ay hindi kailanman nakilahok sa anumang rally ng anti-gobyerno nang magpunta siya sa Tagum City, pahayag ng kanyang abogado na si Jobert Pahilga.

Ayon sa ulat, si Fox ay pinaghihinalaan ng gobyerno na nakikibahagi sa mga rali laban sa diumano’y paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng martial law rule sa southern Philippines, at ang pagkamatay ng mahigit kumulang 4,000 dahil sa walang humpay na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga na nagsimula ng nailuklok si Duterte sa pwesto.

“Siya ay iligal na inaresto,” pahayag ng mga human rights group noong Martes.

Naglabas si Pangulong Duterte ng pahayag kamakailan lamang na aarestuhin ang mga opisyal ng International Criminal Court (ICC) kung papasok sila sa Pilipinas upang mag-imbestago sa estado sa kanyang kampanya kontra sa iligal na droga. Pormal na ngang tumiwalag ang Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa ICC.

Isang Italyano naman ang na-blacklist at tinanggihan makapasok sa bansa matapos siyang makibahagi sa 2017 fact-finding mission upang imbestigahan ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Mark Herras may panawagan sa kumakalat na viral video scandal

Imee Marcos: Iniisip ko na tumakbo para sa Senado sa 2019