in

Models may bwelta sa JaDine fans | WALANG MAY INTERESADO KAY JAMES

Mukhang napuno na ang mga Female Models na involve sa tabig selfie incident kung kaya’t nagsalita na ang grupo nila dahil kaliwa’t kanan na nga ang inabot na pang-babash sa kanila ng fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa pagpapa-selfie ng mga ito sa aktor noong madaling-araw ng Sabado, April 14.

Ayaw daw silang tantanan JaDine fans at tila kung anu-anong mga masasakit na salita ang ipinupukol sa kanila.

Ang masakit pa dito pati ang kanilang mga kaanak ay idinadamay ng mga nangba-bash sa kanila.

Ngayong Martes, April 17, isang mahabang post ang ibinahagi sa Facebook ni Darline Paranada, isa sa mga nasa Revel at the Palace sa Bonifacio Global City, Taguig, kung saan nangyari ang insidente.

Sa naturang post, inilahad niya ang kanyang bersiyon sa mga naganap at ipinagtanggol ang mga kaibigang bina-bash din ng fans ni James at Nadine.

Ayon sa report ng PEP.PH, sinabi ni Darline na marami ng nagmamarunong at nakikisawsaw sa issue ng James and Nadine na at handa na nga raw s’yang magsalita dahil andun sya mismo.

Ayon sa kanya, nangyari ang tabig-selfie incident nung April 13 sa Revel BGC, birthday party yun ng isang kaibigan nila from the States and birthday din ng kanilang kaibigan na si Shivaun so andun relatives niya and some friends, so sa sobrang dami namin kumuha pa sila ng extra table so bale magkaharap yung table namin…

“Andun na kami 12 am pa lang yung mga ibang bisita hindi na namin namamalayan kasi sobrang saya na ng group namin 4 lang ata yung mga guys and the rest mga girls na yung isang picture na lumabas na puro kami babae, isang table pa lang yun hindi pa kasama yung isang table na puro pinsan ni Karen Gonzaga.”

Ang tinutukoy marahil ni Darline na “April 13” ay noong Biyernes ng gabi kung kailan sila dumating sa lugar.

Pero naganap ang insidente noong madaling-araw na ng April 14, Sabado.

Paliwanag n’ya, ang una raw nagpapicture sa grupo nila ay si Nika Madrid, na inakusahan diumano ng JaDine fans na nilandi raw si James.

Kuwento ni Darline, “Okay, unang nagpa-pic si Nika Madrid, yung sinasabi nilang nadikit yung boobs, e, hindi naman talaga nakadikit.

“It’s just yung pagkakuha ng picture, mukhang nakadikit. pero it’s not [just] crowded yung place and sa sobrang daming tao gusto magpapic sa JaDine that time, nagtutulakan na kung meron mang dumikit hindi na sinasadya yun…

“Plus, hindi yun enough reason para sabihan malandi, pokpok, etc. si Nika.
“Sobrang kitid ng utak, ‘pag pangit nagpapicture ng nakayakap, ok lang, pero ‘pag maganda nadikit lang ng onte malandi na? Asan ang hustisya?

Di pa rin matapos-tapos ang isyung ito. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ang opisyal na pahayag ng JaDine.

“WALANG MAY INTERESADO KAY JAMES.” Ang nag-upload naman sa kanyang IG story ng video ng pagtapik ni Nadine sa isang fan ay si Karen Gonzaga, kasamahan ni Darline.

May mga nagsasabing JaDine fans na diumano ay nalabag ang privacy ng magkarelasyon dahil daw sa pagbakod nila kay James.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Karen sa kanyang Facebook post.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

Comments

comments

Imee Marcos: Iniisip ko na tumakbo para sa Senado sa 2019

VP Leni Robredo: Bigyan ni’yo kami ng patas na laban