Mark Herras may panawagan sa kumakalat na viral video scandal

Walang ideya ngayon si Mark Herras kung bakit naglalabasan na naman ngayon sa social media ang video scandal nya. Ang video scandal ni Mark ay unang pumutok at kumalat online 12 years ago.

Hindi nga raw malaman ni Mark kung ano ang dahilan at motibo ng nag re-upload nito sa social media.

Para sa binatang aktor, matagal na siyang nakapag move on sa eskandalong ito.

Mas naapektuhan daw si Mark para sa kanyang girlfriend na si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sapagkat madalas kasing i-tag ng mga ito ang kanyang girlfriend. Hiling din ni Mark na irespeto ang kanyang kasintahan.

Ayon sa binata, “Siguro, just respect Wyn na lang, kumbaga huwag na lang idamay si Wyn sa issue.

“Maraming nagta-tag sa kanya, e. Si Wyn yung pinakanaiirita, naapektuhan.
“Siguro, huwag na lang nila kumbaga… I’m sure hindi nila ako ni-respect nung nilabas nila yung video, so sana si Wyn, huwag na nilang idamay.”

Si Mark Herras ay bibida sa bagong Kapuso primetime series na The Cure kasama sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Duterte threatens Filipino militant groups

Palasyo: Undersecretary nakatakdang sibakin ni Duterte ngayong linggo

Pag-aresto sa Awstralyanong madre inalmahan ng human rights group