LOOK: Sunday Pinasaya Director Apologizes To AlDub Nation

Ikinagalit nga ng libo libong fans ng AlDub ang pagla-like ng Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre sa panlalait diumano ng isang Twitter user kay Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza, ang ka-love team ng isa sa mga mainstay ng programa na si Alden Richards.

Sa susunod na Linggo, December 13, ay inaasahang mag-aappear si Maine sa Sunday Pinasaya sa unang pagkakataon.

LOOK: Sunday Pinasaya Director Apologizes To AlDub Nation

Photo courtesy © Fashion Pulis

Ngunit may isang follower sa Twitter si Direk Rich na nagsabing bihisan daw ng maganda si Yaya Dub (Maine) para hindi raw magmukhang yaya, na siyang karakter na ginagampanan nito sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ni-like ni Direk Rich ang post na ito, na siyempre pa ay ikina bad-trip ng maraming fans ng AlDub Nation.

LOOK: Sunday Pinasaya Director Apologizes To AlDub Nation

Usap-usapan nga sa social media na edited lamang iyon dahil ang orihinal na sagot nito ay “nope.”

Pero sinabi naman ng direktor na isang “joke” lamang ang sagot niyang “yup.”