LOOK: Jasmine Curtis-Smith ganap ng Kapuso!

Jasmine Curtis-Smith

Isa na ngang Kapuso talent si Jasmine Curtis-Smith matapos nyang lagdaan ang eksklusibong kontrata kamakailan sa GMA Network.

Opisyal na ngang Kapuso ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith. Matagal tagal ring hindi nasilayan ang aktres sa telebisyon at siguradong namiss na rin sya ng kanyang mga tagahanga. Ang huling proyekto ni Jasmine ang ay pelikulang “Siargao”.

Dumalo sa contract signing sina GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth G. Rasonable, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at ang manager na si Betchay Vidanes.

Ayon sa mga balita, si Jasmine ay itatambal sa Kapuso star na si Alden Richards sa susunod na serye sa telebisyon kung saan pinabulaanan nya sa mga nakaraang interview.

Bago ang contract signing sa GMA, si Jasmine ay bumida sa serye at telebisyon sa ilalim ng TV5 network.

FEATURED PHOTO: INSTAGRAM

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

WATCH: JaDine Kilig Moments on James Reid's "Randomantic" Music Video

Babaeng nag-upload ng Video ng JaDine may resbak sa mga bashers

Southern Leyte, ipinroklama bilang DRUG-CLEARED province