in

Kris to Mocha: Babae sa babae, gusto mo ng kaaway? Ako. I’m ready. Anytime, anywhere, harapan

Yung isa na lang ang pansinin niyo, I am not an attention seeker - Mocha

Nagsalita na si Kris Aquino noong Martes laban kay Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson matapos nitong isangkot ang kanyang mga magulang sa pagtatanggol sa “controversial kiss ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Filipina worker sa South Korea.

Si Uson noong Linggo ay nag-post ng isang video ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na tumatanggap ng halik mula sa dalawang kababaihan sa isang eroplano bago siya napaslang noong 1983 sa panahon ng diktadurang Marcos.

#LabanKris 💛💛💛👊🏼

Posted by Kris Aquino on Tuesday, June 5, 2018

 
Sa isang 17-minutong video sa Facebook na na-upload noong Martes (Hunyo 5), sinabi ni Kris na nakahanda syang harapin si Uson dahil sa mga pang-insulto sa kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador na si Benigno Aquino Jr, na parehong sumakabilang buhay na.

Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya 'yung apo niya – siya na 'yung pinakanagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni Joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – 'yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. 💛💛💛👊🏼

A post shared by KRIS (@krisaquino) on

Suportado naman ng netizen ang pahayag ng Queen of all media:

@CebuanoBarBoy : Kris Aquino, as a daughter, has the guts to proudly stand for her parents despite all the criticisms hurled at them.

It makes me wonder why Imee and Bong Bong could never do the same for their dad. Their overused excuse? “Bata pa ako nun”

Hello! Mas bata pa nga si Kris eh

@g3cafe : One thing i learned from Kris Aquino today is that I, too, would go to war for my parents. I would defend their honor and legacy from the idiocy of a troll for hire.

@troyfied : Kris Aquino just dropped the bomb. Mocha, pack up na. You don’t mess with the queen.

@_manilabbey : Boy, we need more Kris Aquino in this world. You don’t let someone cross the line and insult you and your family. You fight not just for yourself but for you family, for respect, for love, and for truth. Kris Aquino, maaabuhaaay!

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

Comments

comments

Netizens criticize Sen. Sherwin Gatchalian for defending President’s kiss with OFW

Kris Aquino challenges Mocha Uson to re-enact infamous scene in “Four Sisters and A Wedding”

Kris Aquino hinamon ng sabunutan si Asec Mocha Uson