in

Imee Marcos: Iniisip ko na tumakbo para sa Senado sa 2019

“Iniisip ko na tumakbo para sa Senado sa 2019,” pahayag ni Imee Marcos. Pero sa kasalukuyan inamin nyang ito ay 50/50 pa rin. Ayon sa kanya, dapat ikonsulta muna sa kanyang ina (kongresista na si Imelda Romualdez Marcos) at iba pang mga tagapayo. Sinabi ito ng Gobernador ng Ilocos Norte, sa isang conference sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City kamakailan lamang.

Una namang nagkomento si dating Senador Bongbong Marcos na hindi siya tatakbo  sa Senado sa darating na 2019. Sa kadahilanang mayroon siyang nakabinbin na electoral protest sa Senado, laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo ng 263,473 na boto sa 2016 vice presidential race.

Bagaman may pagaatubilang kumandidato sa senado sa susunod na taon, pinahayag ni Gobernador Imee Marcos ang tatlong paboritong adbokasiya nya kung sakaling siya ay maluluklok sa Senado sa darating na 2019: pagtatayo ng mga moderno at pagpapaunlad sa sistema ng pampublikong transportasyon sa mga probinsya upang makinabang ang buong bansa; subsidized na mga kalakal para sa mga mahihirap na pamilya; at mga reporma para magkaroon ng maraming trabaho.

FEATURED IMAGE: REUTERS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

Comments

comments

Pag-aresto sa Awstralyanong madre inalmahan ng human rights group

Models may bwelta sa JaDine fans | WALANG MAY INTERESADO KAY JAMES