Former Mr. Pastillas Candidate Bryan del Rosario: Ako AlDub Fan Ako!

Nakigulo nga sa bakuran ng GMA Network ang dating Mr. Pastillas candidate na si Bryan del Rosario sa Barangay LS 97.1 kaninang umaga (Nov. 11).

Si Bryan ay present kasama ang kanyang boy band na JBK upang mag-promote ng kanilang album at latest single ‘Letting You Go.’ Kasama ni Bryan sa grupo sina Joshua Bulot at Kim Ordonio.

Umamin nga si Bryan na fan siya nina Alden Richards at Maine Mendoza ayon sa report ng GMA Network News.

“Lahat naman tayo aminado na AlDub fans. Ako AlDub fan ako. At siyempre alangan naman na ligawan [ko] si Maine [Mendoza] ‘di ba. Patay tayo diyan.

“Siyempre mas magiging fan na lang ako ‘di ba. Siyempre ako naman vocal ako dati sa mga na(m)-ba-bash sa akin na bakit dati Aldub-Aldub kayo, nag-co-cover kayo ng songs para sa AlDub tapos sasali ka diyan.”