DEPORTED: Human rights activist black-listed dahil sa paglabag sa batas

Blacklisted sa Pilipinas ang isang Italyanong human rights activist. Ayon sa Department of Justice, si Giacomo Filibeck ay inilagay listahan ng mga blacklisted dahil sa paglabag di umano sa batas sa imigrasyon ng bansa. Suportado naman ni Senate President Koko Pimentel ang deportasyon ni Filibeck. Ipinaliwanag ni Pimentel na ito ay pagpapatupad lamang ng Bureau of Immigration (BI) ng batas na nagbabawal sa mga dayuhang gaya ni Filibeck na sumali at makialam sa mga isyung pampulitikal sa bansa.

Nitong Lunes, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na si Filibeck, bilang isang turista, ay hindi pinahihintulutang makisali sa isyung pampulitikal ng bansa.

Sa isang mensahe sa mga reporters, paliwanag ng hukom: “Labag sa batas para sa mga dayuhan na makisali sa mga isyung pampulitikal. Dinagdag pa nya na ang general rule sa maraming bansa gaya ng Pilipinas na bawal makialam ang mga dayuhan sa internal politics o political matters.

Si Filibeck ay deputy secretary-general ng Party of European Socialists ay inanyayahan ng partylist ng Akbayan na dumalo sa congress nito sa Cebu City.

Agad din itong na-deport nu’ng dumating sa Mactan International Airport, Cebu noong linggo dahil blacklisted na ito ng Bureau of Immigration (BI).

PES Deputy Secretary General barred from entering the Philippines

“This accusation could not make me more proud”: Giacomo Filibeck sends a message to our sister party Akbayan Partylist after he was barred from entering the #Philippines yesterday on his way to their congress.

Posted by Party of European Socialists on Monday, April 16, 2018

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Rappler, Vera Files not enough as fact checkers- Senator accuses FB of political Bias

WATCH: JaDine Kilig Moments on James Reid's "Randomantic" Music Video

Babaeng nag-upload ng Video ng JaDine may resbak sa mga bashers