Alejano: Inilalagay nila ang publiko sa panganib

Alejano: Tumataas ngayon ang mga kaso ng mga sakit na naiwasan sana gamit ang pagbabakuna

CAPABLE | Alejano says Philippines can go to war with China

Ikinababahala na nga ng Department of Health o DOH ang mabilis na pagbaba ng immunization rates para maiwasan ang mga sakit sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, maraming mga magulang ang tumanggi ng pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polyo, pox at tetanus.

Ang takot sa pag-babakuna ay nakatuon sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, isang gamot na binuo ng Sanofi na nagmula pa sa Pransya.

Pinanindigan ng Sanofi at mga lokal na eksperto na walang katibayan na nag-uugnay sa pagkamatay ng mga bata mula sa Dengvaxia vaccine.

Gayunpaman, nagbigay ang kumpanyang ito ng babala noong nakaraang taon na ang bakuna ay maaaring gawing mas malala ang sakit sa ilang mga batang hindi pa nagkaka-dengue.

Apektado ng dengue fever ang higit kumulang 400 milyong katao bawat taon sa buong mundo. Dengvaxia lamang ang unang bakuna sa mundo laban sa dengue.

Ang sakit na nagmumula sa kagat ng lamok ang pangunahing sanhi ng malubhang sakit at kamatayan sa mga bata sa ilang mga bansa sa Asya at Latin America, ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO).

Samantala, hirit naman ng mambabatas na si Rep Gary Alejano na makipagtulungan ang gobyerno upang himukin ang publiko na tanggalin ang kanilang takot sa pagbabakuna at tuldukan ang kanilang pangamba.

Tumataas ngayon ang mga kaso ng mga sakit na naiwasan sana gamit ang pagbabakuna.

“Again, I call on the government to communicate accurate information to allay the fears of the public. Unless this is effectively addressed, more children could be put in danger,” pahayag ng kongresista.

“Hindi dapat ginagatasan ang isyu para sa pulitika at personal na galit. Sa mga pansariling intensyon ng iilan para pulitikahin ang isyu, inilalagay nila ang publiko sa panganib. Due to baseless fear, public lost trust on the vaccination program of govt,” dagdag pa nya. 

Mahigit sa 800,000 mga bata ang nabakunahan sa buong bansa noong 2016-17. Labing-apat sa kanila ang namatay.

Ang mga pagbabakuna ng Dengvaxia ay itinigil pansamantala ng pamahalaan noong nakaraang taon, habang naglunsad naman ng kasalukuyang pagsisiyasat ang gobyerno sa kung anong naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Loading…

0

Comments

comments

Duterte threatens Filipino militant groups

Duterte threatens Filipino militant groups

HK trip ni Duterte binatikos ng kritiko: A big waste of taxpayer money

HK trip ni Duterte binatikos ng kritiko: Ang pangulo ay mapagkunwari